APEC Homes • Jobtalk
×
Vacant Jobs

APEC Homes

1 Job • Chemicals

Hangad namin sa APEC Homes na makapagtayo ng dekalidad at abot-kayang tahanan para sa bawat masisipag na Pilipino. Sa loob ng dalawang dekada, nakatuon ang aming atensyon sa pag-abot sa pangarapna ito. Mula ng itatag ang APEC Homes noong 1997 at makapagtayo kami ng mahigit 50,000 housing units, hindi kami tumitigil sa ang aming misyon bilang isang CREDIBLE at STABLE na subdivision developer sa Pilipinas ang makapagbigay ng subok-sa-tibay na tahanan, sa abot-kayang halaga.

Ang makapaghatid ng abot-kayang bahay patungo sa mapayapang komunidad ang aming buong-pusong handog. Kaya naman, masigasig na nakasentro ang aming operasyon sa paggawa ng matitibay at matatatag na tahanan tahanang pundasyon din ng matibay at matatag na pamilyang Pilipino.

Dahil alam namin na pangarap ng bawat-isa na tumira sa ligtas, maginhawa at komportableng tahanan, ipinagpapatuloy at sinisiguro ng APEC Homes na ang bawat hakbang namin ay naka-angkla sa pagtupad ng mga pangarap na ito.

APEC Homes, 2/F Unit 201-202, Panorama Techno Center Building, #1029 EDSA, Brgy. Veterans Village, Quezon City

Quezon City, Metro Manila

1 Active

Jan 3, 2023

Popular employers
Find employer